Tuesday, September 11, 2012

‘Ghost-busting’ Hataman pinapurian ng mga senador; hinamong na kumandidato

HINAMON ng mga Senador si ghost-busting Governor Mujiv Hataman ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM), na tumakbo na lamang sa sususnod na halalan, upang patuloy nitong maitaguyod at maisulong ang adhikaing reproma sa naturang rehiyon.
Sa budget hearing na isinagawa sa Senado kahapon (Lunes), sinabi nina Senador Loren Legarda at Franklin Drilon na nais din nilang ganap ng ilipat sa pagpapasya ng autonomous region ang mga programang pangkaunlaran na saklaw pa rin ng Pambansang Pamahalaan.

Ayon kay Legarda maikli para sa repormang gustong ipatupad ng Hataman administration sa ARMM ang isang taon at walong buwang pananatili sa puwesto. “Napakaganda ng ginawa ni Governador Hataman sa ARMM at nais nating ito’y maituloy-tuloy na n’ya, at siya’y sasabak sa halalan sa 2013, bakit hindi” sabi pa ni Legarda.  

Sa naturang pagpupulong, sinabi ni Hataman sa mga mambabatas na isa sa matagumpay na natanggal ng kanyang administrasyon ang nakagawiang pagpopondo ng mga proyektong hiling ng mga pulitiko, at hindi hubog ng pagpapaysya ng higit na nakararaming residente ng komunidad.

Sinabi pa ni Hataman na nakalikom ang ARMM ng may P 59 million na savings sa pondo nito sa kasalukuyang taon. Ito aniya ay bunga na rin ng pagapapatupad ng mga bagong polisiya sa rehiyon.
Sinabi ni Drilon na hindi na magpapaligoy-ligoy pa ang Senado, at “hindi na namin uuyugin pa ang budget ng ARMM ngayong nasa pangagalaga ito ng isang credible na pamumuno.”

Bahagyang natigilan si Hataman at sa pagsabing maaaring lalabag sa batas ang naturang plano, sinagot agad s’ya ni Drilon na walang paglalabag sa batas na mangyayari kung sakali at magpapasya si Hataman na tumakbo na lamang sa halalan sa May 2013.

Pinapurian din ni Drilon ang Pangulong Noynoy Aquino sa pagkakatalaga nya kay Hataman bilang OIC Govrnor ng ARMM. “Ito ay palatandaan na hindi sa lahat ng panahon ay nahahalal tayo ng tamang leader at ganap na lingcod bayan,” wika pa ni Drilon.  
 
Matatandaang tinawag na “ghost-buster” ni Pangulong Noynoy Aquino si Hataman sa kanyang State of the Nation Address nitong nakaraang Hulyo, matapos ang matagumpay na pagpuksa ng huli sa a ng Pangulo ay mga “ghost teachers na nagtuturo ng ghost na mga estudyante na tumatahak ng ghost na kalsada, patungo sa ghost na eskwelahan.”   

Ayon pa kay Hataman, nakalikom din ang ARMM ng may P 30 million pa mula ng ipatigil at ganap ng tanggalin sa talaan ng rehiyon ang operasyon ng mga naturang “ghost” schools, at ipatigil pansamantala ang pag-gawa ng paaralan sa mga komunidad na halos ay magkadikit lamang...

At upang maisulong nang ganap ang reporma sa rehiyon, minarapat ni Hataman na bigyang daan ang programang ARMM HELPS, na tutugon sa health, education and environment, livelihood at political reforms sa ARMM. Ang programang ARMM-HELPS ay maguugnay sa pagtulungan ng pamahalaan at ng civil society organization, lokal man o banyaga.

Sinabi ni Hataman na napapanahon nang ilihis sa kamay at inpluyensiya ng mga politiko ang pagpapaysa kung papano, saan at kalian nararapat gamitin ang pondo mula sa kaban ng bayan.
Ayon kay ARMM Public Works Secretary Emil Sadain hindi naging maadali ang mga ganitong pagbabagong pinasimulan ni Hataman, lalo pa at kinailangan pang susugan o amiendahan ang ARMM Public Works Act, upang tanggalin ang naturang kapangyarihan sa mga mambabatas ng rehiyon, mga gubernador ng limang probinsyang nasasakupan nito, at maging sa tanggapan mismo ni Hataman.

Isinumite ng rehiyon ang binalangakas nitong budget na may kabuuang P 15.588 billion para sa susunod na taon, ngunit ito’y bahagyang pinababa ng Department of Budget sa halagang P 13.998 billion.

Inaprubahan ng DBM ang 12.27 percent na pag-angat sa budget ng ARMM sa naturang halaga, para sa susunod na taon, kumpara sa budget nitong P 12.468 billion sa kasalukuyang taon.  NBM/BPI-ARMM

No comments:

Post a Comment